Thursday, September 6, 2007
Meteor Garden Remake; Richard,Dennis,Cogie,Dingdong
Sunud-sunod ang mga e-mail sa amin na nagpakilalang kapuso loyal viewers na sana raw ay iremake ng GMA 7 ang super hit na taiwanobelang "Meteor Garden" na pinabibidahan ng mga Taiwanese Star na sina San Chai at ang F4 na kinababaliwan noon at ngayon na kasalukuyang umeere sa GMA 7. At ang kanilang mga napili ay sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Cogie Domingo at Dingdong Dantes naku tiyak na magiging hit ito ang palaisipan lang sa amin ay kung sino ang gaganap sa bidang babae nito? Unang pumasok sa aming isipan ay si Angel Locsin(wag sanang magalit ang mga Kapuso) kaya nga lang ay sumakabilang bakod na ito. Si Maxene Magalona ay pwedeng gumanap sa role nito dahil alam namin ay magaling umarte ang batang ito noong napapanood namin siya sa mga afternoon at primetime teleserye ng GMA 7 noon. Kung sakaling matuloy ito ay malaki ang magagastos sa production nito tingnan mo naman kasi ang mga magbibida diba? may pahabol pa pala ang mga loyal viewers ng Kapuso kung hindi man daw ito gawin sa TV ay gawin na lamang raw itong isang Pelikula. OO nga naman.
Wednesday, September 5, 2007
Jewel, bagong babae ni Richard
Nag-aalangan pa si Jewel Mische na amining isa siya sa mga makakasama ni Richard Gutierrez sa bagong telefantasya nito sa GMA 7, ang Kamandag.Malaking pasasalamat ni Jewel sa GMA 7 dahil hindi raw pinapabayaan ang career niya. Mukhang lamang siya sa mga kasabayan niya sa Starstruck 4.Isa si Jewel sa mga pumirma sa Regal Films bilang mga bagong Regal Babies ni Mother Lily.Balak ni Mother Lily na gumawa ng mga youth-oriented films at magbigay ng break sa mga bagong mukha gaya ni Jewel."Ang isang nawala sa akin, marami naman ang kapalit," pahayag ng Regal matriarch.
Sen. Bong kasali sa `Kamandag'
ABA'T si Sen. Bong Revilla, papasukin na ang mundo ng primetime series.Ayon sa isang source, may importanteng papel na gagampanan si Sen. Bong sa nalalapit na Kamandag ni Richard Gutierrez sa GMA-7.This September na sisimulang i-tape ang Kamandag, kung saan makakapareha ni Richard sina Jewel Mische, Ehra Madrigal at Maxene Magalona. Sina Mark Reyes at Topel Lee ang magtutulong sa pagdidirek nito.
Kamandag
Speaking of Kamandag, ngayong araw na ito ang story conference ng bagong series ni Richard sa Siyete.Ngayong araw ring ito malalaman kung sino ang pangatlong leading lady ni Richard sa series na `yon.Magkasunod ang story conference ni Richard. Noong Lunes ay nag-story conference ang pelikulang Dagaw na pagbibidahan nila ni Marvin Agustin.Ayon kay Richard, natutuwa siya at finally ay tuloy na tuloy na ang Dagaw at nakakuha na ng gaganap sa role na Tomas.Sa isang virgin island ang location shooting nila bago matapos ang buwan at excited na si Richard dahil kakaiba ang istorya ng Dagaw.Excited din siya dahil si Chito Roño ang kanilang direktor.
Leading ladies of Richard in Kamandag. Ehra, JEWEL, Maxene
from Noel Asinas of JournalABA'T si Sen. Bong Revilla, papasukin na ang mundo ng primetime series.Ayon sa isang source, may importanteng papel na gagampanan si Sen. Bong sa nalalapit na Kamandag ni Richard Gutierrez sa GMA-7.This September na sisimulang i-tape ang Kamandag, kung saan makakapareha ni Richard sina Jewel Mische, Ehra Madrigal at Maxene Magalona. Sina Mark Reyes at Topel Lee ang magtutulong sa pagdidirek nito
Si Maxene raw talaga dapat sa Mulawin pa, GMA 7 sising-sisi!!!
Si Maxene Magalona pala talaga dapat ang nasa kinalalagyan ni Angel Locsin kung hindi sana nito tinanggihan ang kanyang role bilang Alwina sa Mulawin na siya ngang napunta kay Angel, balitang nag-sisisi raw ang GMA 7 na dapat ay si Chynna Ortaleza nalang ang ipinalit kay Maxene noon dahil sikat na sikat noon ang Richard-Chynna Loveteam na noo'y nanalo pang Most Popular Loveteam noong kasagsagan ng kanilang high-rated shows na "Click" na suporta lamang si Angel Locsin at "Love to Love". Ngayon ay balitang kasama si Maxene sa bagong fantaserye ni Richard na "Kamandag" along with Jewel Mische and Ehra Madrigal.
Maxene-Richard Loveteam natuloy din!!!
Balitang si Maxene Magalona ang isa sa mga ka-love team ni Richard Gutierrez sa bago nitong fantaseryeng "Kamandag" ng GMA 7. Siguradong matutuwa ang fans ni Maxene dahil sa wakas ay natuloy na rin ang kanilang love team na noon pa dapat nangyari ng tangghian ni Maxene ang role sa "Mulawin" ng GMA 7 na "ALWINA" at napunta kay Angel Locsin na ORIGINALLY ay sa kanya, ang ibig sabihin kaya nito ay wala sanang isang Angel Locsin ngayon kundi dahil kay Maxene. Sa aming palagay ay isang Maexene Magalona ang siyang tatabon kay Angel Locsin,..Abang! !!
Marvin Agustin replaces Ryan in Dagao
Hindi lang ang challenging role, magandang project, makatrabaho sina Richard Gutierrez at Direk Chito Roño ang mga pinanghinayangan ni Ryan Agoncillo sa hindi pagkakatuloy sa Dagaw ng GMA Films. Isa pa sa pinanghinayangan niya'y naudlot ang reunion nila ni Paolo Bediones, na kasama rin sa pelikula.Matagal nang friends ang dalawa at lalong tumibay ang friendship noong nasa GMA-7 pa si Ryan. Kung 'di kami nagkakamali' y second movie pa lang ni Paolo ito.Anyway, si Marvin Agustin na ang pumalit kay Ryan at late this month siya magsu-shooting. Siya na ang gaganap sa role ni Thomas, kalaban ni Richard.
Saturday, September 1, 2007
Richard Gutierrez at Judy Ann Santos, magsasama sa pelikula
HINDI na si Maja Salvador ang makakasama ni Richard Gutierrez sa susunod na project ng Regal Entertainment, kung hindi si Judy Ann Santos.Tila hindi na matutuloy ang sinabi ni Mother Lily Monteverde sa manager ni Maja na si Chit Ramos na ang next project ng aktres sa Regal after My Kuya's Wedding ay opposite Richard.Hindi raw yata binigyan si Maja ng go signal ng Star Cinema big boss na si Malou Santos.Ayon kay Alfie Lorenzo, manager ni Juday, next year sisimulan ang shooting ng pagtatambalan ng aktres at ni Richard.Dugtong pa ni Alfie, hindi siya papayag na gawin ni Juday ang sequel ng Ouija 'pag kasosyo pa rin ang Viva Films ng GMA dahil ayaw niyang ka-deal si Vincent del Rosario.Magulo raw itong kausap, dagdag pa ng talent manager.
Alfie, may titulo na para sa Juday-Richard movie
Alfie, may titulo na para sa Juday-Richard movie By: Nitz Miralles MUKHANG magkakatotoo ang sinabi ni Ryan Agoncillo sa Entertainment Live kahapon na mas mauuna pang makasama ni Judy Ann Santos sa pelikula si Richard Gutierrez kesa sa kanya.May nadirinig kaming kinu-conceptualize na Judy Ann-Richard project at ngayon pa lang, payag na si Alfie Lorenzo.In fact, may naisip na siyang title, pero hindi 'yon ang magiging title kung matutuloy ang pelikula.Nagbibiruan sina Judy Ann at Ryan kung sino sa kanila ang unang makakasama sa pelikula ni Richard at akala ng TV host-actor, mananalo siya dahil sa Dagaw.Kaya lang, kinailangan niyang mag-back-out dahil napaaga ang shooting ng Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema at may shoot pa sila sa Barcelona, Spain.Hindi pa man kumpirmado ang Judy Ann-Richard project, marami na ang excited dahil first time nilang magsasama.Binanggit na rin sa amin ang possible playdate ng movie at kung matutuloy, magandang labanan ito.
Richard, lumambitin sa helicopter
Richard, lumambitin sa helicopter By: Noel Asiñas Aba!BILIB kami kay Richard Gutierrez. Aba, 'yung helicopter scene niya pala sa finale ng Lupin ay walang body double. Talagang naglambitin siya sa paanan ng chopper sa taas na 200 feet o equivalent sa 20 floors ng isang building. Sabi ng senior program manager na si Redgie Acuña-Magno, double harness ang ikinabit ng production staff kay Richard for added security. Halos maluha raw ang ina nitong si Annabelle Rama sa sobrang katapangan ng anak. Ninerbiyos daw si Bisaya sa ginawang stunt ni Richard na napanood sa Cinema Concept kung saan ginanap ang farewell party ng Lupin last Friday. Samantala, sa September pa sisimulan ni Richard ang taping ng adventure-fantasy series na Kamandag for GMA-7.
Ryan Agoncillo backs out from GMA Films' "Dagaw
Ryan Agoncillo backs out from GMA Films' "Dagaw"Nitz MirallesSaturday, September 1, 200701:21 AMRatingAng laki ng panghihinayang ng isang malapit kay Ryan Agoncillo nang ibinalita nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na matutuloy ang actor-TV host sa Dagaw ng GMA Films. Conflict of schedule ang rason sa pagba-backout ni Ryan sa naturang horror film dahil sa halip na sa October ay sa Tuesday, September 4, na ang first day shooting ng Sakal, Sakali, Sakalo—ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo nila ni Judy Ann Santos na entry ng Star Cinema sa 2007 Metro Manila Film Festival. Matatandaang si Ryan ang napili ng GMA Films at ni Direk Chito Roño na pumalit sana sa role ni Dingdong Dantes sa Dagaw. In-offer ang role kay Ryan at tinanggap na nito ang role. Pero nagkaroon ng problema sa schedule ng isa pa niyang pelikula. Nakipag-meeting si Ryan at ang direktor ng Sakal, Sakali, Saklolo na si Joey Reyes sa Star Cinema at napagdesisyunan na agahan ang shooting ng movie dahil may location sila abroad. One week ang shooting nila sa Barcelona, Spain at doon didiretso sina Ryan at Judy Ann after their Love Speak U.S. Tour. Kahit anong pag-aayos sa schedule ni Ryan, hindi raw pupuwede dahil sa Camarines Norte pa ang shooting ng Dagaw at kailangang mag-stay siya roon ng 15 or more days. Walang magawa ang actor-TV host kung hindi manghinayang. Pati ang kasintahan nitong si Judy Ann ay malaki ang panghihinayang sa nangyari dahil bukod sa magandang project, si Chito pa ang direktor ng Dagaw. May mga suggestion na i-postpone muna ang shooting ng Dagaw kung walang makikitang kapalit si Ryan dahil hindi pala ito agad ipapalabas. Sa November pa magiging available si Ryan at kung mahihintay siya ng GMA Films at ni Direk Chito, baka magawa niya rin ang pelikula. Guest co-host si Ryan mamayang hapon sa Entertainment Live ng ABS-CBN bilang pansamantalang kapalit ni Toni Gonzaga, na kasalukuyang nasa U.S. para sa series of concerts nila ni Gary Valenciano. Sasabihin ng actor-TV host kung ano ang nararamdaman na hindi na niya magagawa ang Dagaw. Baka nga ang mangyari, mauna pang magsama sa pelikula sina Judy Ann at Richard Gutierrez.
Subscribe to:
Posts (Atom)